Tuesday, December 7, 2010

Presyo ng LPG, tumaas ng P33/kada tangke; diesel at gasolina, magtataas din

May kaunting bawas sa singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Bawas-singil sa kuryente: P0.32 kada kilowatt-hour ang diskuwento sa generation charge ng Meralco.

Kaya't sa 101 kilowatt-thours ang konsumo, mahigit P32 ang bawas kada buwan at lagpas P60 naman sa 200 kilowatt-hour users.

Paliwanag ng Meralco, halos P5 ang minura ng bentahan sa merkado.

"The reduction in WESM prices more than offset the slightly higher prices ," sabi ni Joe Zaldarriaga, spokesman ng Meralco. 

Posibleng masundan pa sa Enero 2011 ang mas mababang generation charge ng Meralco.

"Meron tayong possibility na papasok na bumaba sa January dahil nagamit natin iyong banked gas," sabi ni Larry Fernandez, head ng Utility Economics ng Meralco.

Pero kung may good news sa singil ng kuryente, bad news naman sa presyo ng LPG at petrolyo.
Muling nagtaas kanina ng P3 kada kilo o P33 sa kada tangke ng LPG. 

Kinumpirma rin ng Department of Energy na tataas ang presyo ng diesel at gasolina anumang oras mula ngayon.

"Based on the data from the international market, prices have been going up," sabi ni Energy Sec. Jose Rene Almendras.

Hamon ng grupong Gov't Watch, ilantad kasi ng mga kumpanya ng langis at DOE ang kuwentahan para 'di pagdudahan.

"When it goes up or down, we will approve the increase and decrease provided such penalty. And the agency DOE will make a statement, " sabi ni Raul Concepcion, chairman ng Gov't Watch.

Kaya ang DOE, maglalabas na ng formula o kuwenta sa kanilang website bukas para mismong consumer na ang magsabi kung tama ba ang galaw ng presyo ng petrolyo.

"Unfortunately, ang batas it does not prescribe for a formula. Kung ikaw ang consumer, kung may makikita kang two formulae, nasa sa inyo na iyon kung sino susundin niyo no?" sabi naman ni Energy Undersecretary Jay Layug.

Ibinalita rin ng DOE na tuloy pa rin ang pagsasara ng ilang gasolinahan ng Shell at Chevron dahil sa pagsasara ng FPIC pipeline.

Nasa 42 stations na raw ang sarado sa Shell at 7 naman sa Caltex. Alvin Elchico, Patrol ng Pilipino

Reference:  http://www.abs-cbnnews.com/video/business/12/06/10/electricity-cheaper-gas-pricier-december

 OPINION:
         Bumaba nga ang kuryente, pero tumaas naman ang gas! Hay nako! pano na? Pero, kung sabagay, mas mabuti na din yung may bumababang presyo, kesas naman tumaas lahat, diba? Kaya nga lang, madami pa din ang mamomroblema. Tulad na lang ng mga motorista ngayon! Sigurado ng tataas na din ngayon ang mga lutong pagkain dahil sa pagtaas ng LPG Gas. Siguro, mag ooven nalang o Electric Stove ang mga Pilipino, xe kuryente na ang bumaba, at LPG ang tumaas.





Alin ba ang dapat itaas at dapat babaan? Alin ang mas kaylangan ng mamamayang Pilipino?